Nasabat ng Philippine Coast Guard (PCG) ang P6 Million na halaga ng asukal na ipinuslit sa Zamboanga City
Nakuha ang halos 2,000 sako ng smuggled sugar sa isang motorboat na nakadaong sa nasabing lungsod.
Ayon sa PCG, nagbibiyahe ang MV Fatima Shakira ng asukal mula sa Malaysia sa pamamagitan ng pagdaan sa Bongao, Tawi-Tawi.
Walang naiprisintang kaukulang dokumento para sa shipment ang mga sakay ng bangka.
Ayon sa kapitan na si Alkaser Jaafar, galing sa Jolo, Sulu ang shipment.
Kamakailan ay dalawang iligal na shipment ng asukal ang nakumpiska ng otoridad kung saan ay kabilang dito ang P40 Million na halaga ng misdeclared sugar mula sa Thailand na inabandona sa Port of Manila.
Isa pang shipment ang nasabat na naglalaman ng 5,000 sako ng asukal na nagkakahalaga ng P15 Million.