Aktibidad sa death anniversary ni dating Sen. Ninoy Aquino bigong maidaos sa NAIA

Hindi ginanap ang tradisyunal na pagdaraos ng death anniversary ni dating Senador Ninoy Aquino sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong araw.

Ito ay bunsod ng nangyaring pagsasara ng runway sa naturang paliparan kamakailan.

Tradisyon na kasing isagawa ang programa sa pangunguna ni dating Senador Heherson Alvarez sa tarmac ramp 11 kung saan mismo binaril si Ninoy 35 taon na ang nakakalipas.

Tinanggihan ng otoridad ang hiling ng grupo dahil sa patuloy na nararansanang bigat ng trapiko sa paliparan.

Dahil dito, inilipat ang programa at inaalay ang mga bulaklak sa harap ng NAIA kung saan makikita ang monumento ni Aquino.

Read more...