Kasunod ito ng paglantad na ‘di umano’y biktima ni Argento, ang dating child actor na si Jimmy Bennett.
Si Argento ang unang nag-akusa ng rape laban sa Hollywood producer na si Harvey Weinstein at pinagmulan ng #MeToo Movement.
Ayon sa ulat ng New York Times taong 2013 nang mangyari ang sexual assault noong 17-anyos pa lamang si Bennet habang si Argento ay 37.
Base sa dokumentong nakuha ng Times, nagbayad si Argento ng $380,000 para lamang manahimik ang aktor.
Kwento pa ng aktor, nangyari ang pang-aabuso sa Ritz-Carlton Hotel sa California kung saan nilasing siya ni Argento at pinilit na makipagtalik sa kanya.
Bago akusahan ni Argento si Weinstein, nagpadala ng liham kay Argento ang abogado ni Bennet para sabihin na magsasampa ito ng kaso kaugnay ng pangyayari.
Sinisingil din ni Bennet ang Italian Actress ng $3.5 million dahil sa negatibing epekto sa “mental health” at sa kanyang career.
Sa tulong ng kanyang abogado, nakipag-areglo si Argento sa kampo ni Bennet at nagkasundo na babayaran na lamang ng $380,000.
Unang naibigay kay Bennet ang aabot sa $200,000 at ang nalalabing $180,000 ay ginawang installment na ibinibigay kada buwan sa loob ng isa’t kalahating taon.
Wala pang komento sa panig ni Argento maging sa kanyang abogado kaugnay ng nasabing isyu.
Inaasahang makakaapekto ang nasabing kaso sa sexual assault na isinampa ni Argento laban kay Weinstein.