DOTr Sec. Tugade iimbitahan sa pagdinig sa senado

Radyo Inquirer File Photo | Richard Garcia

Iimbitahan si Transportation Secretary Arthur Tugade sa isasagawang imbestigasyon ng Senado hinggil sa nangyaring pagsasara ng runway ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Ayon kay Senate transportation committee chair Grace Poe, tatanungin si Tugade para ipaliwanag ang kalakip na responsibilidad sa insidente.

Kailangan din aniyang ipaliwanag ng kalihim kung bakit tumagal ng dalawang araw bago tuluyang natanggal ang sumadsad na Xiamen Air plane.

Dagdag pa ng senadora, tatanungin din ang iba pang otoridad ukol naman sa nangyaring delay sa flights para sa pag-apruba ng pagpapalawig ng pasilidad ng NAIA.

Iimbestigahan din aniya ng Senado ang posibleng kakulangan ng Xiamen Air at maari pang padalhan ng summon ang piloto nito.

Read more...