LP members ginunita ang anibersaryo ng Plaza Miranda bombing

INQUIRER.NET | FAYE ORELLANA

Ginunita ng mga miyembro ng Liberal Party ang ika-47 taon ng Plaza Miranda bombing sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila.

Walang dumating na matataas na opisyal ng LP sa ginanap na programa na isinagawa ng mga miyembro mula sa iba’t ibang chapter nito na pawang nakasuot ng kulay dilaw sa harap ng marker ng pinangyarihan ng pagsabog.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng pag-awit ng Lupang Hinirang na sinundan ng talumpati ng ilan sa mga LP members at pagkukwento ng kanilang alaala sa malagim na pagsabog sa Plaza Miranda.

Nagkaroon din ng pag-aalay ng bulaklak ang mga ito sa marker ng pinangyarihan ng pagsabog.

August 21, 1971 naganap ang pagbobomba sa miting de avance ng LP kung saan 9 ang nasawi at 95 ang nasugatan kabilang na si dating Sen. Jovito Salonga.

Read more...