Sa kaniyang statement, sinabi ni Sison na noong sinabi niyang comatose ang pangulo noong gabi ng Linggo, ay hindi naman niya sinabing tiyak o kumpirmado ang balita at sa halip, nag-abiso pa siya sa kaniyang post sa Facebook na kailangang berepikahin ang ulat.
Ani Sison, sa nakita niya sa video n amalakas si Duterte, natutuwa siya dahil mas may tsansa na mapanagot ito sa mga krimen at may tsansang makaharap siya sa International Criminal Court.
Katunayan ani Sison, wish niya kay Pangulong Duterte na humaba pa ang buhay para magawa niya pang tanggapin ang mga warrant or arrest laban sa kaniya.
Ayon kay Sison sa inilabas na video sa pamamagitan ng FB live, lalong nakitang pagod na pagod na at mistulang maysakit ang pangulo.
Mistula aniyang katatapos lamang sumailalim sa dialysis ng pangulo o iba pang uri ng gamutan. Nakita rin aniya sa video na nangingitim ang mukha ng pangulo na indikasyon na siya ay mayroong seryosong karamdaman.
Sinabi ni Sison na na hindi lang ang kondisyon ng kalusugan ng pangulo ang dahilan kaya hindi na ito nararapat mamuno sa bansa kundi maging ang kaniyang pagiging “mental incompetent”.