2 drug suspects arestado sa Lucena

Inquirer file photo

Arestado ang dalawang drug suspects sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Lucena City.

Ayon kay Supt. Romulo Albacea, Lucena police chief, nadakip sina Rommell Aldovino at Ericacio Sebuc makaraang bentahan nila ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa Barangay Market View.

Nakuha mula sa dalawang suspek ang walong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P35,000.

Sinabi ni Albacea na sumukong mga drug suspect din ang naging susi sa pagkaka-aresto ng dalawa.

Itinuro kasi umano ng mga sumuko sina Aldovino at Sebuc na pinagkukuhanan nila noon ng ilegal na droga.

Read more...