Xiamen Air magbabayad ng P15M ayon sa MIAA

Inquirer Photo: Marianne Bermudez

Aabot sa P15 milyon ang inisyal na babayaran ng Xiamen Airlines sa gobyerno matapos ang pagsadsad ng isa nitong eroplano na nagdulot sa pagsasara ng runway sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sa isang panayam sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, sakop ng nasabing halaga ang bayarin sa nirentahang gamit at manpower para maialis ang humarang na eroplano sa runway.

Hindi pa kasama sa halaga ang total revenue impact ng aberya sa operasyon ng NAIA.

Ani Monreal, naiparating na nila sa pamunuan ng Xiamen Air ang kakailanganin nilang bayaran dahil sa insidente.

Ang Xiamen Air ay nauna nang nag-isyu ng public apology na nagresulta ng ilang araw na aberya sa NAIA.

Read more...