Muslim community sa Zamboanga City maaga ring magtipun-tipon para sa congregational prayer

Photo from Zamboanga City Local Government

Maaga ring ginunita ng Muslim community sa Zamboanga City ang Eid’l Adha o feast of sacrifice ngayong araw.

Nagtipun-tipon sa R.T. Lim Boulevard ang daan-daang Muslim at nagsagawa ng congregational prayer.

Iniutos n ani Zamboanga City Mayor Beng Climaco ang pagsasara ng nasabing kalsada mula alas 4:00 pa lang ng madaling araw hanggang alas 11:00 ng umaga para bigyang daan ang aktibidad.

Samantala, sa Cebu, nasa 2,000 miyembro ng Muslim communities din ang nagtipon sa Plaza Independencia sa Cebu City at sa iba pang mosque sa lalawigan para sa selebrasyon ng Eid’l Adha.

 

Read more...