Presyo ng bigas sa Zamboanga City umabot ng P70/kl; deklarasyon ng state of calamity inirekomenda

Zamboanga City Government

Inirekomenda na ang pagdedeklara ng state of calamity sa Zamboanga City dahil sa pagtaas ng presyo ng bigas.

Ayon kay Zamboanga City Mayor Isabelle Climaco-Salazar, sa kanilang monitoring umaabot sa P50 hanggang P70 ang presyo ng kada kilo ng bigas sa lungsod.

Aniya, ang commercial rice kasi na para dapat sa Zamboanga ay dinadala sa iba pang lugar sa Mindanao gaya ng Jolo, Sulu na kamakailan ay naapektuhan ng malaking sunog.

Ani Climaco, ang Zamboanga City ay nangangailangan ng 180,000 na sako ng bigas para mapunan ang 3 buwan na buffer stock.

Gayunman, nakatanggap lamang ito ng 40,000 hanggang 50,000 na sako na NFA rice na bahagi ng subsidiya ng gobyerno.

Sa monitoring ng Zamboanga City local government, sa bahagi ng Tumaga District umabot sa P68 kada kilo ang pinakamahal na presyo ng bigas.

P70 naman ang pinakamahal sa Ayala District at Manicahan District.

Read more...