Dating Sen. Ninoy Aquino dapat maging gabay ng mga lider ng pamahalaan – Pang. Duterte

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Filipino na kilalanin at gayahin ang ipinamalas na sakripisyo at pagiging makabayan ni dating Senador Ninoy Aquino.

Sa mensahe ng pangulo sa paggunita ngayong araw ng Ninoy Aquino Day, sinabi nito na dapat na magsilbing gabay ng mga kasalukuyang lider si Aquino.

Dapat aniyang isaalang-alang ng mga namumuno ang kapakanan ng mga naaapi at mga naiiwanang sektor ng lipunan.

Sinabi pa ng pangulo na nangangailangan ngayon ang Pilipinas ng mga kagaya ni Aquino para makamit ang inaasam na tagumpay at komportableng pamumuhay ng bawat Filipino.

Read more...