Mga nanalong Pinoy na atleta sa Asian Games, binati ng Malakanyang

Nagpaabot ng pagbati ang Palasyo ng Malakanyang sa mga atletang nanalo ng medalya sa 18th Asian games na ginaganap sa Indonesia.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, binabati ng Palasyo sina Dustin Jacob Mella, Jordan Dominguez at Rodolfo Reyes Jr. dahil sa pagkakasungkit ng bronze medal sa taekwando poomsae.

Binati rin ng Malakanyang sina Juvenille Fay Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva dahil sa pagkakapanalo rin ng bronze medal sa Taekwondo Poomsae Womens Division.

Kasabay nito, nagpaabot din ang Malakanyang ng best of luck sa iba pang atleta ng Team Pilipinas na nakikipaglaban sa Asian games.

Read more...