Ayon kay US Defense Secretary Ashton Carter, muli silang magsasagawa ng parehong operasyon sa nasabing lugar. Ito ay kahit matindi ang binitiwang babala ng China na nagsabing iresponsable ang ginawang aksyon ng US. “The US has conducted naval operations in the South China Sea in recent days and will conduct similar operations in the future,” sinabi ni Carter.
Iginiit ng US na hindi kinakailangan ng special permission ng ginawa nilang paglalayag sa sa West Philippine Sea dahil sakop ito ng international law.
Ayon naman kay White House Principal Deputy Press Secretary Eric Schultz, ang pagpasok sa lugar ng USS Lassen ay bahagi ng freedom of navigation.
Una nang sinabi ng China na gagawin nila ang lahat para protektahan ang kanilang seguridad at interest.
Tinawag ding “completely irresponsible” ng Foreign Ministry ng China ang hakbang ng US. At ipinatawag pa si US ambassador to China, Max Baucus.