Pag-iral ng number coding suspendido ngayong araw

Suspendido ang pag-iral ng number coding ngayong araw sa Metro Manila.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), suspendido ang number coding ngayong Martes, August 21 na deklaradong regular holiday dahil sa paggunita ng Eid’l Adha.

Dahil dito ang mga sasakyan na ang plaka o conduction sticker ay nagtatapos sa numerong 3 at 4 ay maaring makabiyahe.

Sa hiwalay na abiso, sinabi rin ng Makati Traffic na suspendido rin ang pag-iral ng number coding sa lungsod ngayong araw at sa August 27, na isang ring regular holiday.

Read more...