WATCH: Pang. Duterte ipinakita sa publiko ang pakikipag-hapunan sa magandang babae na tubong Davao

Ipinakita ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pakikipaghapunan niya sa isang babae na aniya ay mula sa Davao City.

Mismong si Pangulong Duterte ang nag-utos kay Special Assistant to the President Bong Go na ipakita sa Facebook live ang babae na ipinakilala niya bilang “beautiful lady from Davao”.

Sa umpisa, atubili pa si Sec. Go na ipakita sa FB live ang babae na kasama sa dinner ng pangulo. Ilang beses pa niyang ipinaalala kay Pangulong Duterte na naka-FB live ang video.

Pero sinabihan siyang “corny” ng pangulo at pinagsabihan pang umalis na lang doon kung ayaw niyang ipakita sa FB live ang kasamang babae.

Ayon sa pangulo, Vernice ang pangalan ng babae na tubong Davao at galing pa ng Harvard.

Nagbiro pa ang pangulo na hindi siya comatose gaya ng ipinalulutang ng kaniyang mga kritiko, aniya, kung siya ay comatose at makikita niya si Vernice ay siguradong babangon siya.

Read more...