LOOK: Motorcycle rider sugatan sa aksidente sa Makati

Kuha ni Rod Lagusad

Sugatan ang isang lalaki matapos bumangga ito sa isang taxi sa interestection ng Chino Roces Ave. at Kamagong St. Martes (Aug. 21) ng umaga.

Ayon kay PO3 Teodoro Moreno na saktong nasa lugar at papasok na sa kanyang trabaho sa Maynila, galing sa Chino Roces Avenue ang nakamotor na si Jhon Arabit nang ito ay tumawid sa intersection kahit na naka ‘stop’ o red light ang linya nito.

Pagkatawid nito ay bumangga ito sa isang taxi na may plakang UYE 941 at sumalpok sa kaliwang bahagi nito.

Bakas sa taxi ang pinsalang naidulot ng pagbangga dahil nayupi ang gilid ng taxi.

Ayon kay Teodoro agad siyang tumawag ng emergency response unit para maisugod sa pinakamalapit na pagamutan ang lalaking nakamotor na nagtamo ng sugat.

Dagdag pa ni Teodoro ay nakakausap pa ito at iniinda ang sakit sa kanyang likod.

Aniya, mukha umanong nakainom base na rin sa kanyang narinig mula sa emergency unit na rumesponde.

Read more...