Service road ng EDSA southbound malapit sa Shaw isasara sa mga motorista Martes ng gabi

Isasara ang buong service road ng EDSA malapit sa Shaw Boulevard Southbound sa loob ng anim na oras mula mamayang gabi.

Ito ay dahil sa gagawing maintenance ng Manila Water sa lugar kaugnay sa nagpapatuloy nilang emergency leak repairs.

sa abiso ng Manila Water, mula alas 10:00 ng gabi mamaya hanggang alas 4:00 ng madaling araw bukas, buong service road sa harap ng Star Mall sa EDSA southbound ay sarado sa mga motorista.

Ang mga bus at lahat ng iba pang mga sasakyan na patungong Makati area ay pinapayuhan na sa underpass dumaan.

Tiniyak naman ng Manila Water na agad bubuksan ang kalsada sa sandaling matapos na ang aktibidad.

Read more...