Ayon sa PAGASA, ang bagyong may international name na Cimaron ay huling namataan sa 2,595 kilometers east ng extreme northern Luzon.
Habang ang bagyong may international name na Soulik ay huli namang namataan sa 1,360 kilometers north east ng extreme northern Luzon.
Dahil dito, ang Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales, Bataan, Batanes at Babuyan Group of Islands ay patuloy na uulanin bunsod ng Habagat.
Kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Metro Manila, nalalabing bahagi ng Central Luzon, Calabarzon, Mindoro Provinces, at Northern Palawan.
MOST READ
LATEST STORIES