Metro Manila, mga kalapit na lalawigan, maagang inulan

Maagang nakaranas ng pag-ulan sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.

Sa thunderstorm advisory ng PAGASA alas 3:35 ng madaling araw, heavy hanggang intense na pag-ulan ang nararanasan sa Metro Manila.

Sa inilabas namang panibagong abiso alas 5:25 ng umaga, moderate hanggang heavy rains ang nararanasan sa mga bayan ng Floridablanca, Lubao, Guagua, Minalin at Sta. Rita sa Pampanga; San Jose Del Monte at Norzagaray sa Bulacan; Rodriguez at Antipolo sa Rizal; General Nakar sa Quezon at mga bayan ng Cabangan, Botolan at Masinloc sa Zambales.

Pinayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga nabanggit na lugar na maging alerto sa posibleng pagbaha at landslides.

Read more...