Pangulong Duterte, matatapos ang termino ayon kay Bong Go

Courtesy of SAP Bong GO Facebook post

Tiniyak ni Special Assistant to the President (SAP) Bong Go na malusog ang pangangatawan at pag-iisip ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa pagdalo ni Go sa founding anniversary ng bayan ng Datu Abdullah Sangkin sa Maguindanao, sinabi nito na malakas pa ang pangulo at kaya nitong matapos ang kanyang termino sa 2022.

Paglilinaw ng kalihim, napapagod lamang ang pangulo sa nagaganap na kurapsyon sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaya nito nasabi na gusto na niyang magbitiw sa pwesto.

Matatandaang nitong nakaraang linggo lamang ay nagpahayag ang pangulo na bababa lamang siya sa pagka-presidente kung si Senador Chiz Escudero o dating Senador Bongbong Marcos ang papalit sa kanya.

Inulit pa ng pangulo ang nauna niyang patutsada kay Vice President Leni Robredo na incompetent ito at hindi kayang pamunuan ang bansa.

Read more...