Isang araw bago ang pagdiriwang ng ating mga kababayang Muslim ng Eid’l Adha, sinabi ng pangulo na ang naturang pagdiriwang ay isang paalala tungkol sa katuparang matatamo sa pamamagitan ng sakripisyo.
Dagdag pa ng pangulo, ang pagdiriwang ng Eid’l Adha ay pagdiriwang ng pananampalataya tungo sa makabuluhang pagbabago.
Hiling ni Pangulong Duterte na magbuklod-buklod ang lahat upang magkaroon ng ‘diverse community’ na mayroong respeto at kapayapaan.
Aniya pa, nawa ay makahanap ng lakas at inspirasyon ang bawat isa upang malagpasan ang mga balakid katulad ng pulitika at kultura.