Hinamon ng Malacañang ang Naga City Council na patunayan na hindi hotbed ng droga ang kanilang lugar na kilalang balwarte ni Vice President Leni Robredo.
Pahayag ito ng palasyo matapos igiit ng Naga City Council na hindi ang kanilang lugar kundi ang Maynila ang hotbed ng shabu.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, na sa halip na mag-aksaya ng panahon at resources ng gobyerno mas makabubuti kung labanan na lang ng Naga City Council ang mga nagpapakalat at nagbebenta ng droga sa kanilang area.
Sinabi pa ni Roque na sa halip na dibdibin, mas makabubuting tanggapin ng mga taga Naga ang akusasyon na isang constructive criticism para pag-igihan pa ang kampanya kontra sa ilegal na droga.
Una na ring sinabi ng palasyo na may pinanghahawakang impormasyon o intelligence report si Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang ilegal na droga sa Lungsod ng Naga.
Ayon pa kay Roque, “Labanan nila iyong mga nagbebenta ng droga sa Naga at patunayan nilang hindi talaga hotbed of shabu, na shabu-free iyong kanilang mga bayan. It should be constructive particularly on the part of public officers.