Sinabi ni Pimentel na mahirap paniwalaan ang mga kwento ni Sison gayung wala naman siya sa bansa at hindi rin niya alam ang mga tunay na kaganapan dahil kumukuha lamang siya ng impormasyon mula sa ilang kapanalig na grupo.
Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Sison na hindi maganda ang kaulusugan ng pangulo at nakita ito ng mga dumalo sa nakaraang event ng Lex Taliones Fraternity sa San Beda College.
Marami umano ang nakapansin sa pangingitim ng mukha ng pangulo at nanginginig daw ang kanyang mga kamay.
Sinabi naman ni Villar na nagkita pa sila ng pangulo sa Davao City noong Biyernes at masigla ito ng sila ay magkaharap.
Wala namang umano siyang napansin na may iniinda ang pangulo tulad ng mga pinagsasabi ni Sison.
Sa press briefing sa MalacaƱang, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na dadalo bukas ang pangulo sa isang pagpupulong ng League of City Mayors kung saan siya ang tatayong keynote speaker.
Pinayuhan rin niya si Sison na tumahimik na lamang at huwag magpakalat ng mga tsismis tulad ng kanyang ginagawa sa kanyang mga Facebook posts.