Naniniwala si House Committee on Metro Manila Development Chairman Winston Castelo na maganda ang intensyon ng Metro Manila Development Autoprity (MMDA) sa High Occupancy Vehicle (HOV) traffic scheme nila.
Ayon kay Castelo, ang mali lamang dito ay ang marketing at ginawang pagpapatupad nito.
Sinabi nito na mali ang ginawang pagbababawal na padaanan ang mga driver-only vehicles sa Edsa.
Dahil sa ginawa anyang ito ng ahensya nabawasan nga ang sasakyan sa Edsa pero nagsiksikan naman sa ibang lugar tulad ng C5 at ilan pang mga secondary roads.
Iginiit nito na dapat magpalit ng marketing strategy ang MMDA tulad ng pagpapalakas ng carpooling.
Pahayag ito ng mambabatas kasunod ng iba’t-ibang batikos na natanggap ng ahensya sa pagpapatupad ng HOV na kalaunan ay sinuspinde rin.