Karamihan sa mga Pinoy ay dismayado sa mataas na halaga ng kuryente sa bansa ayon sa survey na ginawa ng Pulse Asia.
Sinabi ni Pulse Asia Research Director Ana Maria Tabunda na two-thirds ng mga Pinoy ang nagsabi na mabigat na gastusin ang pambayad sa electricity rates.
Base sa resulta ng Ulat ng Bayan Survey, umaabot sa 60-percent ng respondents ang nagsabi na “not satisfied” sa presyo ng kuryente samantalang 29-percent naman ang nagsabi ng “somewhat dissatisfied” at ang natitirang 31-percent ang sumagot ng “very dissatisfied”.
Gamit ang 1,800 respondents na may nationwide error margin na plus-minus 2.3 percent, isinagawa ang nasabing suervey noong buwan ng Hunyo.
Sa naturang survey ay 27-percent ng mga respondents ang nagsabing sila ay “satisfied” samantalang 14 percent naman ang “undecided”.
Karamihan sa mga “dissatisfied” ay galing sa National Capital Region o Metro Manila.
Nataon naman na isinagawa ang survey nang ianunsyo ng Meralco na nagbaba sila ng presyo.
Ang Meralco ang siyang nagsu-suplay ng kuryente sa 36 na lungsod, 75 mga munisipyo at sa kabuuan ng Metro Manila.
Sa hiwalay na pahayag ay sinabi ng Meralco na isa ang Pilipinas sa may pinakamababang singil sa kuryente sa buong Asya.