Ayon sa Japanese Olympic Committee (JOC), ang apat na manlalaro ay nakita sa “red light district” sa Jakarta, suot ang kani-kanilang national jerseys noong nakalipas na linggo.
Kinilala ang mga nasipang manlalaro na sina Yuya Nagayoshi, Takuya Hashimoto, Takuma Soto at Keita Imamura.
Nag-dinner ang apat at nagtungo raw sa isang hotel nang may kasamang mga prostitute.
Humingi na ng paumanhin ang JOC sa kanilang mga kababayan sa Japan at iba pang fans ng kanilang koponan, bunsod ng kahihiyang idinulot ng apat na manlalaro.
Pagpapasyahan ng lupon kung ano ang posibleng parusa na ipapataw sa apat na basketball players, kapag natapos na ang isinagawang imbestigasyon.
Hindi na bago ang pagpapauwi ng Japan sa kanilang manlalarong nasasangkot sa kontrobersiya.
Noong 2014 Asian Games sa South Korea, pwersahang pinauwi ang swimmer na si Naoya Tomita dahil sa pagnanakaw daw ng camera ng isang journalist.