Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo epektibo sa Martes, Aug. 21

 

Nag-anunsyo na ang ilang kumpanya sa kanilang ipatutupad na dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa Flying V, Phoenix Petroleum, PTT Philippines, Pilipinas Shell at Seaoil, 30 centavos ang itataas sa kada litro ng kanilang gasolina habang 20 centavos ang rollback sa bawat litro ng kerosene. Wala namang paggalaw sa halaga ng diesel.

Ang dagdag-bawas sa presyuhan ay epektibo alas-sais ng umaga ng Martes (August 21).

Patuloy na tumutok sa Radyo Inquirer para sa update hinggil sa price adjustments sa mga produktong petrolyo.

 

Read more...