Sa isang pulong balitaan ngayong Lunes (August 20), inanunsyo ni Maza na nagpasa na siya ng irrevocable resignation kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pagbibitiw ni Maza ay ginawa isang linggo makaraang mabasura ng korte sa Nueva Ecija ang murder case laban sa kanya at iba pang pinuno ng Makabayan Bloc na sina dating Congressmen Satur Ocampo, Teddy Casino at Rafael Mariano.
Ayon kay Maza, hindi katanggap-tanggap para sa isang opisyal ng pamahalaan gaya niya na nakabalik na sa kapangyarihan si dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo at ang pamilya Marcos.
Nagpasalamat naman si Maza sa ibinigay na pagkakataon sa kanya upang makapaglingkod sa gobyerno at makagawa ng socioeconomic reforms sa gitna ng pagpapatigil sa usapang pangkapayapaan.
Ani ni Maza, matapos magbitiw sa NAPC ay babalik na siya sa kilusan at pagtuloy na magsusulong ng tunay na partisipasyon ng mamamayan sa paglikha ng pagbabago.