PANOORIN: Susan Roces at Sen. Grace Poe, pinangunahan ang paggunita sa 79th birthday ni FPJ

Inalala ng mga kaanak, kaibigan at taga-suporta ng yumaong “Da King” Fernando Poe Jr. ang kanyang ika-pitumpu’t siyam na kaarawan.

Sa Manila North Cemetery, pinangunahan ng mag-inang Susan Roces at Senadora Grace Poe ang paggunita sa 79th birth anniversary ni FPJ.

Dumagsa rin sa puntod ni FPJ sa Manila North Cemetery ang kanyang supporters, na nag-alay ng mga bulaklak at panalangin.

August 20, 1939, ipinanganak si Ronald Allan Kelley Poe o mas kilala bilang Fernando Poe Jr.

Bilang Hari ng Pelikulang Pilipino, ilan sa mga pinagbidahan ni FPJ ay ang mga pelikulang Ang Panday, Ang Probinsyano, Ang Dalubhasa, Aguila, Eseng ng Tondo, Hindi ka na Sisikatan ng Araw, Muslim Magnum .357 at marami pang iba.

Tumakbo si FPJ sa 2004 Presidential Elections, ngunit idineklarang panalo ang katunggali niyang si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Nasawi si FPJ noong December 14, 2004, sa edad na 65-anyos.

 

Read more...