MRT-3, nakaranas ng delay sa “arrival & departure” ng mga tren

 

Nagkaroon ng delay sa “arrival and departure” ng mga tren sa mainline ng Metro Rail Transit o MRT-3, Lunes ng umaga (August 20).

Ayon sa advisory ng MRT-3 dakong 8:25 ng umaga, ang delay ay dahil sa “signalling technical concern” sa Taft Station.

Bunsod nito, nakaranas ng pagkaantala at naipon ang mga tren sa MRT Taft Station.

On-site na ang mga technician upang ayusin ang problema.

Pero pagtitiyak ng MRT-3, tuloy naman ang kanilang operasyon.

Gayunman, humihingi sila ng paumanhin sa lahat ng mga naabalang pasahero.

 

Read more...