Ang malakas na lindol ay naganap hindi pa man nakakabangon ang naturang isla sa magnitude 7.0 na lindol noong August 5 na kumitil sa buhay ng 460 katao at sumira sa libu-libong bahay.
Ang lindol kagabi ay isa sa mga pinakamalakas na lindol sa Hilagang-Silangan ng isla at nagdulot ng landslides.
Ayon sa National Disaster Mitigation Agency, naputol ang linya ng kuryente dahil sa lakas ng lindol.
Ilan din sa mga bahay at buildings ang bumagsak.
Sinabi ni Disaster Agency Spokesman Sutopo Purwo Nugroho na nagpanic at natakot ang mga residente dahil malalakas din ang naging aftershocks.
Nakarinig pa ang mga residente ng malalakas na tunog na maaari anyang bunsod ng mga pagguho ng lupa mula sa Mouth Rinhani.
Sinabi naman ni Indonesian Meteorology and Geophysics Agency head Dwikorita Karnawatim na bagaman hindi bumagsak ang ilang building ay humina na ang mga pundasyon nito.
Dahil dito ay pinaiiwas ang mga mamamayan sa gilid ng bundok at sa mga buildings sa posibilidad ng pagguho.
Bago ang magnitude 6.9 na lindol kagabi ay niyanig din ang isla ng magnitude 6.3 na lindol hapon ng Linggo.