Japan, maglulunsad ng bagong weather system sa 2030

AP photo

Nakatakdang maglunsad ang Japan Meteorological Agency (JMA) ng bagong weather forecast system sa taong 2030.

Layon ng bagong weather system na malaman nang mas maaga ang mga namumuong sama ng panahon at iba pang kalamidad sa bansa.

Gamit ang makabagong teknolohiya, nais din malaman ng JMA ang total rainfall sa kasagsagan ng bagyo sa loob ng tatlong araw.

Gagamit ang ahensya ng supercomputer para mapabuti ang accuracy ng kanilang data analyses.

Umaasa rin ang ahensya na makakakuha ng impormasyon ang bagong weather system ng mga biglaang pagbabago ng panahon na makakaapekto sa mga residente.

Isa kasi anila ang line-shaped rain systems na nagdulot ng malalang pinsala sa iba’t ibang parte ng Japan sa mga nakalipas na taon.

Ang line-shaped rain systems ay binubuo ng cumulonimbus clouds na may dalang mabigat na buhos na ulan.

Sa ganitong paraan, mas mapaghahandaan anila ang paglikas ng mga residente.

Read more...