Duterte, dadalo sa information campaign ng Pederalismo

Personal na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbubukas ng information campaign ng Pederalismo ayon sa Consultative Committee (Con-com).

Sa ipinadalang pahayag, sinabi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na mismong ang Punong Ehekutibo ang nagsabi na nais niyang dumalo sa isasagawang information drive.

Sa naturang kampanya, nakatakdang pag-aralan ng Con-com ang 1987 Constitution.

Ayon pa kay Medialdea, naipaalam na ang information drive kay Duterte habang tinatapos ito.

Noong nakaraang buwan, bumuo ang Palasyo ng Malakanyang ng inter-agency task force para magsagawa ng nationwide information dissemination campaign sa naturang bagong porma ng pamahalaan.

Read more...