Pilipinas, nakakuha na ng unang 2 medalya sa 2018 Asian Games

Photo credit: Philippine Sports Commission Twitter

Nakakuha na ang Pilipinas ng dalawang unang medalya sa 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia.

Sa kabila ng pagkatalo sa China, naiuwi ng team nina Dustin Mella, Jeordan Dominguez at Rodolfo Reyes Jr. ang bronze medal sa semifinals ng Taekwondo men’s team poomsae event.

Nakapagtala ang Pilipinas ng iskor na 7.830 habang 8.180 naman ang China.

Photo credit: Philippine Sports Commission Twitter

Samantala, bronze medalist din ang women’s team ng Pilipinas matapos makakuha ng iskor na 7.110 laban sa 8.020 ng Korea.

Kabilang sa naturang grupo sina Juvenila Faye Crisostomo, Rinna Babanto at Janna Dominique Oliva.

Read more...