‘Ninja cops,’ dapat ding dumaan sa due process – CHR

Kuha ni Chona Yu

Iginiit ng Commission on Human Rights (CHR) na mahalaga rin ang buhay ng mga ‘ninja cops’ o police scalawags.

Sa isang pahayag, inamin ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia na ang mga ‘ninja cop’ ay kahihiyan sa pambansang pulisya kaya’t dapat lang masibak sa pwesto.

Gayunman, hindi aniya solusyon ang pagkitil sa buhay ng mga ito.

Dapat pa rin aniyang manaig ang due process bilang pagrespeto sa karapatang pantao at rule of law.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtaas ng pabuya sa bawat ‘ninja cop’ o pulis na protektor ng drug syndicate o sangkot sa ilegal na droga.

Mula sa P3 milyon, itinaas ng Punong Ehekutibo ang nasabing pabuya sa P5 milyon.

Read more...