Davao Occidental, niyanig ng mag. 3.2 na lindol

Photo credit: Phivolcs

Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Davao Occidental, Linggo ng hapon.

Batay sa impormasyon ng Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 126 kilometers South ng Jose Abad Santos dakong 5:19 ng hapon.

May lalim ang lindol na 34 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na nasirang ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...