Ang paghingi ng paumanhin ng pamunuan ng AFP ay bunsod ng insidente na kung saan anim na intelligence operatives ang naaresto sa loob ng UP campus.
Sa pahayag na inilabas ng AFP Public Affairs Office, nanindigan naman ang militar na lehitimong national security operation ang isinagawa sabay paglilinaw na hindi mga estudyante o mga propesor ang naging subjects dito.
Ipinaliwanag din ng AFP na hindi intensyon ng mga operatiba na labagin ang kasunduan sa pagitan ng Department of National Defense at UP noong 1989 kaugnay sa pagsasagawa ng military operation sa pangunahing state university.
Kasabay nito, nangako ang AFP na hindi na mauulit ang insidente.