Patay ang isang puganteng suspek sa pagnanakaw ng sasakyan kahapon matapos makipagbarilan sa mga pulis.
Isisilbi sana ng Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (CIDG-NCR) at Caloocan city police ang warrant of arrest sa 22-anyos na suspek na si Berlin del Rosario sa Sto. Niño St., Administration Site, Barangay 186, Tala, Caloocan nang pumalag ito sa mga otoridad.
Sa halip na sumuko. mas pinili nitong makipagbarilan sa mga otoridad na ikinamatay ng pugante.
Taong 2013, nang tumakas si Del Rosario kasama ang isa pang kasabwat na kapwa akusado sa pagnanakaw ng sasakyan na mula sa kustodiya ng mga pulis sa pamamagitan ng paglagari ng mga rehas sa bintana ng isang police station sa Caloocan City.
Naaresto rin sa nasabing operasyon ang mga hinihinalang kasabwat ni Del Rosario na sina Benjielito Dimaano Santos, Ronnie Caberto Santos, at Rollie Junio Magano.
Narekober sa mga suspek la sa kanila ang isang granada, .38 na revolver, homemade na cal. 22 semi-automatic machine pistol, improvised pen gun at samu’t saring mga bala.
Narekober din sa operasyon ang apat na motorsiklo, dalawa sa mga ito ay kinatay na, pati na rin ang ilang mga piyesa ng motorsiklo na hinihinalang ninakaw at ginagamit ng mga suspek sa mga krimen.
Isasailalim pa sa verification process ang mga motorsiklo, at sakaling mapatunayang nakaw ang mga ito, mahaharap sa kasong car theft ang mga arestadong suspek.
Sa ngayon, mahaharap na sila sa kasong illegal possession of firearms and explosives.