Higit 280 pakete ng marijuana, nasabat sa Pampanga

Radyo Inquirer File Photo

Nasamsam ang 282 malalaking pakete ng tuyong marijuana sa isang resettlement site sa Angeles City sa Pampanga, Sabado ng gabi.

Ayon kay Central Luzon police director CSupt. Amador Corpus, nakuha ang marijuana sa isang Sherwin Macabanti sa ikinasang buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit sa Barangay Cutud.

Dinala na si Macabanti sa police regional headquarters sa Camp Olivas.

Ang naturang resettlement site ay paglilipat ng mga pamilyang naninirahan sa riles ng Philippine National Railways (PNR).

Read more...