Pahinante patay sa pagsalpok ng sinasakyang delivery van sa CamSur

Google photo

Nasawi ang isang pahinante habang malubha ang kalagayan ng driver ng isang fish delivery van matapos itong sumalpok sa barandilya ng isang tulay sa Maharlika Highway sa lalawigan ng Camarines Norte.

Nangyari ang aksidente sa Barangay Mataganki sa bayan ng Labo pasado 11:00 ng tanghali ng Linggo.

Nabatid na binabaybay ng delivery van ang highway na patungo ng Maynila.

Sa tindi ng pagsalpok sa baradilya ay halos mahati ang van kung saan nagkahiwa-hiwalay ng parte nito.

Sa inisyal na imbestigasyon, sobrang bilis umano ng takbo ng van at nang sumalpok ito sa barandilya, tumilapon ang isang pahinante at nahulog sa 150 talampakan na lalim ng tulay.

Nagkabali-bali ang buto ng nahulog na pahinante na sanhi ng kaniyang pagkamatay.

Batay sa pagsisiyasat ng Labo Police, nawalan ng preno ang delivery van at sa sobrang tulin ng takbo nito ay hindi na na-kontrol ng driver ang manibela at tuluyang sumalpok sa barandilya ng tulay.

Tinaguriang “killer bridge” ang tulay dahil sa dami ng aksidente na nangyari sa lugar.

Read more...