Saleslady, arestado matapos magnakaw sa kanyang trabaho

Inquirer file photo

Timbog ang isang 25-anyos na saleslady sa isang mall sa Makati City, araw ng Sabado.

Nakilala ng Makati Central Police Station Police Community Precinct 5 ang suspek na si Regine Comador.

Inireklamo ang suspek ng security guard ng pinapasukang personal care store matapos mahuling may dalang hindi mga bayad na produkto sa loob ng bag nito.

Dalawang hindi bayad na cosmetic products ang nakuha sa kanyang bag na nagkakahalaga ng P476.

Dinala si Comador sa Makati CPS Station Investigation and Detective Management (SIDM) para sa isasagawang imbestigasyon at medical examination sa Palanan Health Center.

Read more...