Lombok, Indonesia nilindol

USGS photo

Tumama ang magnitude 6.3 na lindol sa Lombok Island sa Indonesia, Linggo ng hapon.

Ayon sa US Geological Survey, naitala ang episentro ng lindol sa west southwest ng bayan ng Belanting.

May lalim ang lindol na 7.9 kilometers.

Ayon sa mga residente, naramdaman ang malakas na pagyanig sa East Lombok.

Matatandaang mahigit-kumulang 460 ang bilang ng mga nasawi matapos ang pagyanig sa parehong lugar noong mga nakaraang linggo.

Read more...