Iya Villania, isinilang na si Baby Leon

Photo credit: Drew Arellano’s Instagram account

Ipinanganak na ni Kapuso host Iya Villania ang kaniyang ikalawang baby, Linggo ng umaga.

Gamit ang kaniyang Instagram account, proud na nag-post ang asawa ni Iya na si Drew Arellano ng litrato ng kanilang bagong baby.

Sa naturang larawan, inilagay ni Drew sa caption section ang buong pangalan nito na “Alonzo Leon V. Arellano.”

Isang araw bago manganak, ibinahagi pa ni Iya ang kaniyang pag-eehersisyo sa Instagram stories.

Read more...