Nagsimula ito nang maglabas ng pahayag si US Assistant Secretary of Defense for Asian and Pacific Security Affairs Randall Schriver na kinakailangang mag-ingat ng Pilipinas sa pagbili ng submarine mula sa Russia dahil maaring maapektuhan nito ang ilang dekada ng relasyon ng dalawang bansa.
Naniniwala ang Estados Unidos na maaring maging problema ang paggamit sa mga bagong kagamitan na kukunin ng Pilipinas.
Sa inilabas na pahayag ng embahada, inamin nito na maaring magkaroon ng problema ang paggamit submarine ang Pilipinas ngunit tila sobra umano ang naging tingin ng US ukol dito.
Dagdag pa ng Russia, kailangang alisin na ang dating paniniwala na hindi kakayanin ng Pilipinas na patakbuhin ang naturang makabagong kagamitan.
Dahil dito, naungkat na ng dalawang panig ang mga isyu na kinakaharap ng dalawang bansa tulad sa Afghanistan, Iraq, Libya na isyu ng US at isyu ng Russia sa Crimea.
Pinaalalahanan na lang ng Russian Embassy ang Amerika na huwag makialam sa ugnayan ng Pilipinas at kanilang bansa.
Noong nakaraang Biyernes, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nakikielam na ang US sa ugnayan ng Pilipinas sa ibang bansa at nabanggit din nito na hindi dapat ito ang paraan ng pakikitungo sa kaanib nilang bansa.