Niyanig ng lindol na may lakas na magnitude 8.2 ang Pacific Ocean kung saan malapit ang Fiji at Tonga, Linggo ng umaga.
Batay sa datos ng US Geological Survey, tumama ang lindol sa layong 270 kilometers East ng Levuka sa Fiji at 443 kilometers west ng Neiafu sa Tonga.
May lalim ang lindol na 559.57 kilometers.
Sa lalim nito, sinabi ng US Tsunami Warning Center na malabong magkaroon ng tsunami sa anumang lugar.
Samantala, naglabas din ng abiso ang Phivolcs na walang itinaas na tsunami warning sa Pilipinas matapos ang pagyanig.
MOST READ
LATEST STORIES