Pagsunog ng mga bag ng estudyante sa CamSur, iniimbestigahan na ng DepEd

Sinusuri na ng Department of Education (DepEd) ang kanilang polisiya para alamin kung ano ang maipapataw na parusa sa Bicol Central Academy sa Camarines Sur pagdating sa kanilang school permit to operate at benepisyo sa gobyerno.

Ito ay matapos ipag-utos ni Alexander James Jaucian, head ng paaralan sa Libmanan, na sunugin ang mga bag ng mga estudyante na hindi umano sumunod sa “no-bag” order sa kasagsagan ng Tasumaki Day.

Sa ipinadalang mensahe sa Inquirer, sinabi ni DepEd Bicol Regional Director Gilbert Sadsad na ikinalulungkot nila ang pangyayari.

Nagsasagawa na aniya ng imbestigasyon ang kagawaran ukol sa insidente.

Aniya pa, malinaw na may paglabag sa child protection policy ang eskuwelahan.

Kung child abuse aniya ang kaso, irerekomenta ito sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para maharap sa anumang kaso.

Read more...