Eastern Samar, niyanig ng magnitude 3.4 na lindol

Photo credit: Phivolcs

Tumama ang magnitude 3.4 na lindol sa Eastern Samar, Linggo ng umaga.

Batay sa inilabas na impormasyon ng Phivolcs, naitala ang episentro ng lindol sa layong 53 kilometers North ng San Policarpio dakong 8:17 ng umaga.

May lalim ang lindol na 15 kilometers at tectonic ang pinagmulan.

Gayunman, walang napaulat na pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

Wala ring inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.

Read more...