Northern at western provinces ng Luzon, uulanin ngayong araw

Apektado pa rin ng hanging Habagat ang ilang bahagi ng Luzon.

Ayon sa 4am weather advisory ng PAGASA, makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan pagkulog at pagkidlat ang Batanes, Babuyan Islands, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Zambales at Bataan bunsod ng Habagat.

Sa nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may posibilidad pa rin ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thuderstorms.

Samantala, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang bagyo na may international name na ‘Soulik’ sa labas ng bansa.

Huli itong namataan sa layong 1,890 kilometro Silangan-Hilagang-Silangan ng Extreme Northern Luzon.

May lakas ito ng hanging aabot 145 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 180 kilometro bawat oras.

Ayon sa weather bureau halos hindi ito gumagalaw ito sa pwesto.

Hindi rin naman papasok sa Philippine Area of Responsbility (PAR) ang bagyo.

Read more...