Ito ay matapos maparalisa ang paliparan dahil sa pagsadsad ng isang eroplano ng Xiamen Airlines sa runway.
Ikinadismaya ng senadora ang matagal na panahon bago maialis sa runway ang eroplano dahilan para mastranded ang libu-libong pasahero at hindi makalipad o makalapag ang anumang eroplano palabas at papasok ng NAIA.
Tinanong ng senadora ang Manila International Airport (MIAA) at Department of Transportation (DOTr) kung ano ang contingency plan ng mga ito sa kahalintulad na insidente at kung may sapat bang kagamitan para mag-tow ng mga eroplano.
Giit pa ng senadora, hindi lamang ekonomiya ang apektado ng pangyayari kundi ang imahe ng bansa sa international community.