ALAMIN: Dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo

Magkakaroon ng maliit na paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo sa darating na linggo.

Sa abiso ng industry sources, may P0.20 hanggang P0.30 dagdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.

Ang presyo naman ng kerosene o gaas ay inaasahang matatapyasan ng P0.20 hanggang P0.30 kada litro.

Samantala, ang presyo ng diesel ay posibleng walang paggalaw.

Ang oil price adjustments ay kadalasang ipinatutupad tuwing araw ng Martes.

Read more...